PAUNAWA: Ang bawat tanong at pangungusap ay maaaring hindi derechahang sinasagot ngunit madalas natin naririnig, bagay na magulo man kung tutuusin ngunit naiitindihan parin. Ang mga paliwanag sa bawat sagot ay pawang opinyon lamang ng may akda (ako) layunin nito na maaninag ang implikasyon ng samu’t saring uri ng kaisipang Pinoy.
Kumain ka na ba?
" busog pa ako e." (madalas na sagot)
" bakit? ililibre mo'ko?" (pa saring ng mga gustong magpalibre)
"oo kumain na ako" (sagot ng mga busog o nahihiya lang magsabing gutom na)
San ka na banda?
"malapit na ako" (asahan mong malayo pa)
"saglit lang pwede?" (sagot ng mga galit galitan para di maunahan ng galit ng isa)
"dito na sa may buendia."(tamang sagot ng mga madalas nauuna sa tagpuan)
Ano yan?
"eto ba? wala to" ( madalas at magulong sagot pero animo’y natural na lang)
"ano sa tingin mo?" ( sagot ng mga badtrip at emo, ayaw pakialaman)
Nag kape ka na ba?
" ikaw nag kape ka na?" (sagot ng mga nagtatanong din )
" pagtimpla mo na lang ako kung gusto mo" (makapal na sagot)
Kilala mo ba si Duday?
"bakit? ano ginawa ni Duday?" (sagot ng mga wagas na tsismosa at tsismoso)
"hindi kami close nun " (sagot ng mga akala involve sila lagi)
"pakialam ko sa Duday mo? " ( mga pa wapakels type)
"hala! buntis ba si Duday?" (sagot ng mga may potensyal maging writer)
"hindi ko sya kilala. " (dakilang matinong sagot)
Kayo na ba ni Lando?
"chismosa ka girl" (sagot ng mga guilty)
"Bakit?ma-hu-hurt ka ba pag kami na?" (sagot ng nagaakalang hearthrob si Lando)
"Ba’t mo natanung? may gusto ka dun no?" (sagot ng mga akala aagawan ng Lando)
"Hindi pa" (sagot ng potensyal na magiging gf ni Lando)
"Hindi " (sagot na ikalulungkot ni Lando)
Magkano bili mo?
"mura lang to" (humble o naka jackpot sa ukay ukay)
"inggit ka no?" (assuming)
"1000$ padala galing US limited edition" (sagot na mapapa “tang and moo” ka sa isip)
"P 12,987.99 lang" (derechahang sagot ng mga nag e-expect na mapapa wow ang nag
tanong)
Ang ganda mo today...
"weh?" (sagot ng mga mag ba-banyo at mananalamin matapos na sabihan nito)
" wala akong piso" (sagot ng mga kunwari pa gusto naman)
" thank you" (wagas na sagot )
Anong fav. Color mo?
"yung mga dark colors" (sagot ng mga di makaintindi ng tanong)
"ikaw ata naka bunot sa'kin sa xchange gifts ei" (sagot ng mga tamang hinala)
"black is beauty" ( sagot ng mga bingi)
"fuchsia pink" (sagot ng mga alam na ang spelling ng “fuschia” at nag e-expect na bibiruin kung ano ang spelling nito)
Hoy bakat ang panty mo!!
"ang bastos mo !!" (sagot ng mga feeling inabuso)
"Panty ka dyan? Naka t-back kaya ako{sabay kindat}" (sagot ng mga gusto maabuso)
"Kesa naman camel toe ang bakat?" (sagot ng mga ayaw pa awat carry lang kung bakat)
"ay sheehhhht! oo nga goshhhhh" (sagot ng mga kunyari pa)
"o nga no? Yaan mo na"(posibleng sagot ng mga sanay na o sadyang wala naman talagang panty)
*camel toe http://en.wikipedia.org/wiki/Camel_toe
*wapakels http://pinoyslang.com/define/wapakels/
*tang and moo - uri ng mura na narinig ko noong ako ay nasa elementarya at college ko na nalaman ang tunay na kahulgan (basahin ng mabilisan)
Abangan ang next batch...
Boy: pwede ba tayo na lng nadz?
ReplyDeleteNadz: ha? (sagot na alam mong busted ka)
:-(
Asa ka pa pre? Habang buhay na tayo anonymous sa babaeng to. Bwahahahahaha!
ReplyDelete