Friday, September 23, 2011

UGAT PUNO AT BUNGA


“Nak-ow!! Ang mga kabataan ngay-own  masyaaaado nang iba kumpara no-ownnn..”

Sambit ni tatang na animo’y nag mamaktol  habang naka upo sa sulok  ng isdaan sa  palengke...kung hindi lang sana ako nag mamadali na i-uwi ang pinamalengke ko,  gusto ko sana tanungin pa si tatang ng gan’to..

“bakit tang? Ano po ba'ng uri ng mga kabataan ang meron kayo noon?”                                                       ...syempre bukod sa nagmamadali ako ay magmumuka akong ewan kapag nakipag buno ako ng tanong at paliwanag kay tatang..kaya hindi na ako nangahas...
Pero dahil sa matagal na akong napapaisip sa isyung kabataan noon at ngayon...sinubukan kong timbangin ang rason ng alboroto ni tatang at ang bumubula kong katanungan...papaliko na ako sa may amin at  sakto.. habang  naninimbang ako sa isipan ay biglang may  ale akong narinig...

“put*ng ina mo ka?!! Ka bata bata mo pa nag mumura kana?!pumasok ka don!!g*go!!”
.. hindi ko alam kong  joke lang ba narinig ko o seryoso ang ale na murahin ang bata na tansya  ko ay anim na taong gulang...

Sa tingin ko ay limot na ni tatang ang ugat na pinanggalingan ng mga kabataan...

BASTOS AT  MAHAHALAY  daw ang mga kabataan ngayon-  yun ba  ay dahil noong nasa sinapupunan pa lang ay hindi sadyang buong na lunok  ng nanay ang isang porn magazine at nakita  ito ng fetus kaya sya naging bastos at mahalay pag laki??
WALANG MODO AT WALANG GALANG din daw sila- ito ba ay dahil lahat ng mga matatanda ay magagalang at sadya lang talagang naimbento ng mga kabataan ang salitang  put-*ng-in-*-mo ng kusa at otomatik na tumitiklop ang mga tenga nila sa salitang po at opo??
IMORAL NA ANG SEKSWALIDAD NA PANANAW ng mga kabataan- may mga kabataan ba na  noong sila ay wala pang isang taon sa mundo ay  sadyang   manyak na? sila ba ay nakaramdam agad ng pag-ka lito sa kanilang kasarian habang pinoputol ang pusod nila? o di kaya ay habang  dumi-dede pa lang si baby pachuchay sa kanyang ina ay plano na nito na makipag-talik  sa kung kani kanino oras na mag dalaga sya..(haneeeeeep)

Kung yan ang tunay na dahilan ...ALIEN ang mga batang yan...

Napaka daming sisi sa mga kabataan na hindi inalam ang pinanggalingan ng dahilan kung bakit...hindi binungkal ang ugat ng puno..at kung mas pinalalim pa...napagkamalang   mabantot na tiyesa  ang bunga ng bulok na puno ng mangga.

Limot na ata ng matatanda ang kasabihang “kung ano ang puno ay ganun din ang bunga” .   
Masyadong natabunan ng maling sisi ang magandang sulok na kaibahan ng kabataan ngayon...sadya atang mas matingkad ang kulay ng kamalian na nagawa ni totoy at ineng  ng kasalukuyan kumpara noon kaya mas pansin  ni tatang ...o di kaya’y dala ng katandaan ay limot na nya ang kaibahan nito..kung sa bagay, kung  ilang magkakaibang kulay ng henerasyon ba naman ang hihimok sa kilos, ugali,pag iisip at  pananalita  ni baby pachuchay,  asahan mong dihamak na mas makulay ito..

Nag-baliw baliwan ng konte ang isip ko at sumagi and desisiyon na minsan, kapag may pag kakataon na kagaya sa palengke kung saan may matandang malaki ang himutok sa kabataan ay mag lalakas loob akong umekstra ng paliwanag... ngunit bigla ko naalala ang lola ko...

“...Mag-tapos ka ng pag-aaral..wag ka mag aasawa agad..mamaya malaman namin buntis ka na o kung ano dyan..wag ka mag madali..palibasa mga kabataan ngayon masyado ng mapupusok..”

Ito ang madalas na linya ni lola..
Tapos na ako ng kolehiyo ng malaman ko kay mama na minor de edad pa lang si lola noong nag asawa sya.
Isang malaking pasigaw na  HALERRRRR!!! ang na sambit ko sa utak ko...

Siguro ay nakalimot din si lola gaya ni tatang....pareho silang nakalimot..o nilimot.. na minsan din silang naging isang bunga ng mga puno at ugat na pinanggalingan nila..

Kaya  hindi  tugma ang timbangan ni tatang at lola at sumobra ng ilang kilong husga ang pananaw nila ...dahil kinaligtaan ang katotohanan na meron palang tinatawag na SANGA.

1 comment: