Monday, November 14, 2011

TINUMBOK NA SALAWIKAIN


Paunawa Ang mga sumusunod ay hindi paksa upang magpatawa lamang, ito din  ay upang mag bigay pansin sa ibang kahulugan at panibagong  anyo ng aral sa bawat binagong salawikain (chos!).  Ang lahat ay  orihinal na gawa ng may akda (ako), kung labag sa loob at hindi maka payag ay mangyari lamang na huwag na ituloy ang pag-babasa. =D

Bato bato sa langit ang tatamaan ay huwag magagalit.
    -Bato bato sa langit ang tatamaan ay sinadyang patamaan.
    -Bato bato sa langit ang tatamaan ay umilag na lang.
    -Bato bato sa langit ang hindi tinamaan ay nakailag na.
Habang maiksi ang  kumot, matutong mamaluktot.
    -Habang maiksi ang kumot, matutong pumili ng mas malaking kumot.
    -Habang maiksi ang kumot,  huwag makuntento sa pamamaluktot, mag-unat at humanap ng
     king-  sized na kumot.
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
    -Walang matigas na tinapay sa mainit na kape, yun ay kung  sinawsaw mo .
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
     -Nasa Diyos ang awa nasa tao ang ngawa.
     -Nasa Diyos ang awa nasa tao ang paawa.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
    -Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain, dahil ako ang tanga.
Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
    -Walang humawak ng lutuan na  hindi naulingan, dahil hindi kinuskus maigi ang lutuan.
    -Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan, dahil walang gumamit ng basahan.
Puro kahol walang kagat.
     -Puro kahol walang kagat,  bungi kasi.
Marami ka pang bigas na kakainin.
    -Marami ka pang bigas na kakainin, wala ka namang uulamin.
    -Marami ka pang bigas na kakainin, isaing ng  hindi mahirapan nguyain.
Matalino man daw ang matsing naiisahan din.
    -Matalino man daw ang matsing naiisahan din ng kapwa matsing.
Kapag may itinanim may aanihin.
    -Kapag may itinanim may didiligan.
    -Kapag may itinanim, wag atat, patubuin muna bago  anihin.
Huli man daw at magaling, naihahabol din.
    -Huli man daw at magaling, kaltas-sahod pa din.
    -Huli man daw at magaling, nag hahabol pa din.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan,  hindi makakarating sa paroroonan.
    -Ang hindi marunong  lumingon sa pinanggalingan, sigurado na sa paroroonan.
    -Ang hindi marunong  lumingon sa pinanggalingan,  ay nagmamadali.
    -Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay huwag akusahang may stiff neck.
Habang may buhay, may pag-asa.
    -Habang may buhay,  may taong puro asa.
    -Habang may buhay, may pa-asa.
Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.
   -Huwag mag bilang ng manok kung itik ang alaga mo.
  - Huwag mag bilang ng manok hangga’t hindi ka pa marunong mag bilang.
Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
   -Papunta ka pa lang, papunta pa lang din ako.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
  -Aanhin pa ang damo, kung choosy na ang kabayo.
  -Ibigay sa kambing ang damo, kung patay na ang kabayo.
  -Bumili ng kambing, kung walang kabayo.
  -Ilibing ang kabayo at kainin ang damo, para wala ng aanhin pa.

No comments:

Post a Comment